Thursday, October 30, 2014

The Mystery of Banking

Usapang pera naman. Ano ang pera? Saan nanggaling ito? Anu-ano ang mga katangian na mayroon ang pera? Sinagot ni Murray N. Rothbard ang mga katanungang ito sa chapter 1 ng kaniyang aklat na "The Mystery of Banking." Bago natin sagutin ang mga tanong, tingnan muna natin ang kahalagahan ng aklat na ito.



Ayon kay Douglas E. French na isang banker, ang aklat na "The Mystery of Banking" ay ang tanging aklat na buong linaw na ipinapaliwanag ang sistema ng "fractional reserve banking", kung paano ito nagsimula at ang mga mapangwasak na epekto nito sa buhay ng tao (p. xi). Dagdag pa niya, bibigyang linaw din ng aklat na ito na ang "fractional reserve banking" ang tunay na salarin sa krisis na naganap noong 2008 (p. xii). 

Ayon naman kay Joseph T. Salerno, ipinapakita sa aklat na ang Federal Reserve ay isang "cartelizing device" na nililimitahan nito ang entry at nireregulate and kumpetisyon "within the lucrative fractional- reserve banking industry and stands ready to bail it out, thus guaranteeing its profits and socializing its losses." Ipinakita ni Rothbard na maraming nakikinabang sa sistemang ito kasama na ang mga "bankers," "incumbent politicians and their favored constituencies and special interest groups." Ang kapangyarihan na mag-imprenta ng pera ay ginagamit para sa kapakanan ng mga "vote-seeking politicians." Ang mga beneficiaries ng ganitong sistema ay kasama ang mga "Wall Street financial institutions, manufacturing firms that produce capital goods, the military-industrial complex, the construction and auto industries, and labor unions." (p. xxi). 

No comments:

Post a Comment