Ayon kay F. A. Hayek, upang matupad ang kanilang mithiin, ang mga advocates ng central planning ay kinakailangang magkaroon ng kapangyarihan - kapangyarihan ng iilan upang pasunurin ang nakararami. Dito nakabase ang kanilang tagumpay.
F. A. Hayek asserts that in order to achieve their goals, the advocates of central planning must possess power - power of the few over the majority. Their victory is dependent in achieving such power.
Ang demokrasya ay hadlang sa katuparan ng mithiing ito kaya hindi maiiwasan ang paglalaban sa pagitan ng demokrasya at sentralisadong pagpaplano.
Democracy is an obstacle to the realization of the central planners' dream, and that is why the conflict between democracy and central planning is inevitable.
Maraming mga sosyalista ang naniniwala sa ilusyon na maaalis ang mapang-abusong kapangyarihan kung maililipat ang kapangyarihan ng isang indibidwal sa lipunan. Hindi nila nabigyan ng pansin na sa pag-ipon ng kapangyarihan sa iisang plano, ito ay hindi lamang nabago sa halip ay lalo pang pinag-ibayo. Na sa pamamagitan ng paglilipat ng mga kapangyarihan na dati ay taglay ng mga indibidwal tungo sa iisang grupo, ito ay lumikha ng isang uri ng kapangyarihan na lubhang mapanganib.
Many socialists uphold the illusion that abusive power can be eliminated once the powers of the individuals can be transfered to the "society." They failed to realize that by concentrating power into the hands of the few, they not only transformed its nature, but created a different kind.
Maling isipin kung magkagayun na ang kapangyarihang taglay ng mga nangangasiwa ng sentralisadong pagpaplano ay hindi hihigit sa kapangyarihang taglay ng mga nangangasiwa sa pribadong sektor. Sa lipunang may kompetisyon, walang sinuman ang maaaring magtaglay ng kahit bahagyang kapangyarihan na taglay ng sosyalistang tagapangasiwa. Ang gawing hindi sentralisado ang kapangyarihan ay pagbawas ng antas ng kapangyarihan at tanging sa sistemang may kompetisyon lamang maaaring maiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan ng isang tao sa kaniyang kapwa. Sino ang makapagsasabi na ang kapangyarihan ng isang milyonaryo na maaaring may-ari ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan ay mas maliit kaysa sa isang bureaucrat na nagtataglay ng kapangyarihan ng Estado? Sa katotohanan, ang isang manggagawa na kulang sa kasanayan sa Estados Unidos ay higit pang malaya kaysa sa isang may-ari ng kumpanya sa Alemanya o inhinyero at tagapamahala sa Rusiya. Na kung nais niyang magpalit ng trabaho o tirahan, paniwalaan ang isang pananaw o gamitin ang oras na wala siyang ginagawa sa gusto niyang paggamitan, walang hahadlang sa kaniya at wala siyang panganib na mararanasan.
It is wrong therefore to think that the power of central planners is less than the collective power of those in the private sector. In a competitive society, no one can possess the power that a socialist planner has. To decentralize power is to reduce it, and this only happens in a competitive society to avoid abuse of one man over another. Who can say that the power of a corporate employer is far lesser from the power of bureaucrat?, asks Hayek. In fact, an unskilled worker in the US has more freedom than an employer in Germany or an engineer and manager in Russia. If he wants to change his job, his residence, his belief, and use his free time in whatever ends he may choose, he has nothing to fear about any form of threat.
Nakalimutan na ng ating henerasyon na ang sistema ng pribadong pag-aari ay ang pinakamahalagang garantiya ng kalayaan. Ito ay sa dahilan na ang pamamahala ng mga kaparaanan ng produksiyon ay nahati sa maraming mga tao na kumikilos bilang mga indibidwal. Sa oras na ang mga kaparaanan ng produksiyon ay nailagay sa iisang kamay, ang sinumang may taglay ng ganitong kapangyarihan ay mga ganap na pamamahala sa mga buhay ng mga mamamayan. Ang ganitong pangyayari ay lubhang nakakabahala. Pansinin kung papaano isinalarawan ni F. A. Hayek ang kapangyarihang ito:
Hayek laments, "Our generation has forgotten that the system of private property is the most important guarantee of freedom." This is because the management of the means of of production is divided among many people acting separately. Once the means of production is placed on the hand of a single individual, anyone who has such power possesses total control over the lives of the people. This kind of centralization of power is very alarming. Notice how Hayek describes the nature of such power:
"Sa mga kamay ng mga pribadong mamamayan, ang kapangyarihang pang-ekonomiya ay maaaring maging instrumento ng pagsasamantala, subalit hindi nito maaaring saklawin ang buong buhay ng tao. Sa oras na ang kapangyarihang pang-ekonomiya ay nagamit bilang instrumento ng kapangyarihang politikal, ito ay lilikha ng kalagayan na laging umaasa na mahirap makita ang kaibahan sa pagkaalipin. Ang sabi nga, sa isang bansa na tanging ang Estado lamang ang namamahala ng paggawa, ang pagsalungat ay nangangahulugan ng kamatayan sa pamamagitan ng dahan-dahang kagutuman.
"In the hands of private individuals, what is called economic power can be an instrument of coercion, but it is never control over the whole life of a person. But when economic power is centralized as an instrument of political power it creates a degree of dependence scarcely distinguishable from slavery. It has been well said that, in a country where the sole employer is the state, opposition means death by slow starvation."
No comments:
Post a Comment