Alipin sa sariling bayan. Makailang ulit ko na bang narinig ang mga salitang yan. Ganiyan isinasalarawan ng ilan ang mga Filipino na kung minsan pa nga ay parang gustong sabihin na ang Pilipinas ay isang bansa ng mga alipin. Meron ding iba na iniuugnay ang "OFW phenomenon" bilang bagong Filipinong bersiyon ng pagka-alipin.
Serfs in their own country. I could not remember the number of times I've heard this statement. This is how some people describe the Filipinos, and others would even imply that Philippines is a nation of serfs. And still others would connect the OFW phenomenon to a new Filipino version of serfdom.
Ang isang alipin ay walang kalayaan. Karamihan sa mga Filipino bagamat may mga limitasyon dulot ng kalagayan sa personal na pananalapi at kalagayan ng ekonomiya at politika ng bansa, masasabing malaya pa rin sa kasalukuyan na gawin ang maraming mga bagay.
A serf has no freedom. Most Filipinos though there are constraints due to personal finance and the economic and political situation of the country, we can say that we are still free in many ways.
Sa aking paglalakbay upang maintindihan ang kalagayan ng ekonomiya at politika ng bayan, binalikan ko ang isang aklat na itinuturing ng ilang mga intelektuwal na binibigyan diin na ang kalayaan ay lubhang napakahalaga. Ito ay aklat na sinulat noong 1945 ni F. A. Hayek, kilalang pilosopo at ekonomista. Ang pamagat ng aklat ay "The Road to Serfdom."
In my journey to understand Philippine economy and politics, I revisit a book, which many libertarian intellectuals consider very important. F. A. Hayek, a classical liberal economist and philosopher wrote this book in 1945. Its title is "The Road to Serfdom."
Ibinahagi ni F. A. Hayek sa kaniyang aklat ang kaniyang obserbasyon tungkol sa mga palantandaan na naghanda sa daan upang ang Alemanya ay mapasailalim sa kapangyarihan ng fascismo. Ayon sa kaniya, ang mga palantandaang ito ay makikita rin sa Estados Unidos at sa Britaniya. Subalit marami ay hindi naniniwala at nagkikibit-balikat lang sa pag-aakala na ang mga bunga ng fascismo ay lubhang napakapangit upang muling maulit sa mga bansang nabanggit. Ang ganitong uri ng kompiyansa ay nakita rin noon sa bansang Aleman bago pumaimbulog sa kapangyarihan ang fascismo at walang nakapigil dito.
F. A. Hayek shared his observation about features that prepared the way for the rise of fascism in Germany. For him, these features can also be found both in the UK and the US. However, many are confident that fascism's features are too ugly to be repeated in both countries. Such confidence was also present in Germany prior to the rise of fascism, but it did not prevent Germany to fall under its spell.
Dalawang prominenteng mga halimbawa ang napansin ni Hayek na kapwa matatagpuan sa Alemanya, sa Estados Unidos, at sa Britaniya. Ang mga ito ay ang papalaking kapangyarihan ng Estado at pagbibigay diin sa sentralisadong pagpaplano. Ang nakakabahala ay hindi nauunawaan kapwa ng mga Briton at mga Amerikano na ang responsable sa pagsasaayos ng daanan ng fascismo ay bunga ng kagagawan ng mga taong may magandang hangarin. Tulad ni Mises, binanggit din ni Hayek na iilan lamang ang nakauunawa na ang paglaganap ng fascista at Marxistang paniniwala ay hindi reaksiyon laban sa sosyalismo, kundi tuwirang bunga nito. Sa katotohanan, ang mga kilabot na mga fascista at mga Marxistang mga pinuno ay nagsimula bilang mga sosyalista.
Two prominent examples of common features evident in fascist Germany that are also prevalent in both the UK and the US are increasing power of the state and the prevalence of central planning. The danger is that both Britons and Americans fail to understand that it was primarily well-intentioned people who laid down the groundwork for the emergence of fascist Germany. Like Mises, Hayek echoed that it was rarely grasped that the widespread influence of both fascism and Marxism was not an act of opposition against socialism, but a logical consequence of it. In fact, notorious fascist and Marxist leaders started as socialists.
Sa maraming mga demokratikong bansa, ang mga intelektuwal na namumuhi sa Nazismo sa katotohanan ay gumagawa para sa katuparan ng ideyolohiya na kanilang kinamumuhian. Makikita natin ang mga binhi ng sosyalismo sa iba't-ibang mga proyektong pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistemang may kompetisyon tungo sa sentralisadong pagpaplano ng pamahalaan.
In many democratic countries today, intellectuals who hate Nazism are actually working for a goal whose application is similar to the ideology that they abhor. We can see the seeds of socialism in economic developmental projects through the replacement of the competitive system with governmental planning.
Pagkatapos kong basahin ang dalawang pahina, sandali akong tumigil at itinanong ko sa aking sarili, "Ganito rin kaya ang kalagayan sa Pilipinas? Sa papaanong paraan makikita sa kasalukuyan ang papalaking kapangyarihan ng pamahalaan at sentralisadong pagpaplano?" Marahil sa darating na mga araw habang patuloy ang aking ginagawang paglalakbay, ako ay umaasa na mabibigyang linaw ang aking katanungan.
After reading the first two pages, I paused for a while and asked myself, "Is this situation also true in the Philippines? In what way can we see at present this expanding power of the government and the centralization of economic planning? I hope that in the coming days, the answer to this question will be made clear.
No comments:
Post a Comment