Thursday, February 27, 2014

The Death of Classical Liberalism

In discussing the threat to individual freedom, F. A. Hayek identifies the difference between individualism and socialism. Individualism for Hayek is based on the respect of Christianity for the individual person and the belief that man is free to develop himself and his potentialities. Hayek adds that such philosophy first bloomed during the Renaissance and modeled by Western civilization. As a result of this idea, the direction of social change was towards freedom from feudalism. 

Modern improvements such as the flourishing of science, "material comfort," and "self-determination" were the direct results of this philosophy. Because of this, people believed that they can choose their destiny, a belief that they can do anything for the betterment of their conditions. Unfortunately, the succeeding changes shifted into the idea that in order to make human progress faster, the "spontaneous forces" in a free society must be replaced by a collective and "planned" direction. That was the sign of departure from liberalism and the triumph of socialism (either in the forms of "planning" or "organizing"), which was perfected in Germany. 

Prior to the widespread influence of Nazism, Germans were already attacking liberalism, democracy, capitalism, and individualism. Add to this the fact that before the rise of Hitler into power, German and Italian socialists were using a strategy that both the fascists and the Nazis effectively used later. This strategy focused on the formation of a political party that covers the life of an individual "from the cradle to the grave." Such party included activities like the gathering of young children, forming them into political organizations, sponsoring games and sports, initiating distinctive way of greetings, and other activities, which aimed to guide the mind of the young, and protect them from other perspective. Associated with it was a close supervision of the private life of an individual. This served as the model for a totalitarian party. This is the reason why Hayek said that it was people of good intentions that paved the way for Hitler. Liberalism was dead when Hitler rose into power and it was socialism who killed it. 


For those who witnessed first-hand the transition from socialism to fascism, the connection between the two was obvious. However, for those in democractic countries, they still believe the illusion that socialism and democracy can be combined. Hayek described this illusion:

". . . . but in the democracies the majority of people still believe that socialism and freedom can be combined. They do not realize that democratic socialism, the great utopia of the last few generations, is not only unachievable, but that to strive for it produces something utterly different – the very destruction of freedom itself." 



Seeing the signs during his time both in the US and the UK, Hayek was alarmed. Writers under the influence of conservative socialism prepared the society for the arrival of National Socialism. Hayek believed that conservative socialism was the the very atmosphere of his time. 

Personal Response

I appreciate Hayek's recognition of the role Christianity played in the development of individualism. For him, there is only one form of individualism that started from Christianity and then prospered in the Renaissance. I disagree with this. The kind of individualism that the Renaissance espoused was rooted in the new Protestantism initiated by Erasmus. However, there was also an emphasis on the significance of an individual in the old Protestantism advocated by Luther, Zwingli, and Calvin. The major difference is that central to Renaissance individualism is an idea of emancipation from God and revelation, which the Reformation individualism affirms.

Moreover, I also appreciate F. A. Hayek's description of conservative socialism. Reading his description of his time, led me to think about its applicability for our time. Is conservative socialism no longer the political trend in our time? If it is not, then what is? If it is, understanding the message of F. A. Hayek in "The Road to Serfdom" is critical in determining the future of our time. It's either freedom or serfdom, and that depends on our view socialism, and our response.

Ang Kamatayan ng Liberalismong Klasikal

(Translation into Filipino)


Sa pagtalakay ukol sa banta sa kalayaan, tinukoy ni F. A. Hayek ang kaibahan sa pagitan ng individualismo at sosyalismo. Ang individualismo ayon kay Hayek ay nakabase sa respeto ng Kristiyanismo sa indibidwal at sa paniniwala na ang tao ay malayang hubugin ang kaniyang sarili upang magkaroon ng mga angkop na kasanayan. Dagdag pa ni Hayek, ang ganitong pilosopiya ay unang nabuo sa panahon ng Renaissance at nalinang at lumaganap sa Western civilization. Bunga nito, ang direksiyon ng pagbabago sa lipunan ay tungo sa kalayaan mula sa sistema ng feudalismo. 

Ang ilan sa mga bunga ng pagbibigay diin sa kalayaan ng indibidwal ay ang pagyabong ng agham, materyal na kaginhawahan, at kalayaang magpasiya para sa sarili. Dahilan dito, ang mga tao ay naniwala na kaya nilang itakda ang kanilang tadhana, paniniwala na magagawa nila ang lahat ng kanilang mga balakin para sa ikauunlad ng kanilang mga kalagayan. Ang nakakalungkot ay ang mga sumunod na pagbabago na kung saan ay naging popular ang paniniwala na upang bumilis ang pagsulong ay kinakailangang palitan ang likas na mga puwersa na matatagpuan sa malayang lipunan ng kolektibo at tiyak na direksiyon. Ito ang hudyat ng paglisan sa liberalismo at pagyakap sa sosyalismo o tinatawag na pagpaplano at pag-oorganisa na naging ganap sa Alemanya. 

Bago pa maging laganap ang impluwensiya ng Nazismo, tinutuligsa na ng mga Aleman ang liberalismo, demokrasya, kapitalismo, at indibidwalismo. Dagdag pa ni Hayek, bago pa ang Nazismo, ang mga sosyalistang Aleman at Italyano ay gumagamit na ng mga kaparaanan na buong husay na ginamit ng mga fascista at mga Nazi. At ang mga ito ay may kinalaman sa pagbuo ng partidong politikal na sinasaklawan ang lahat ng kilos ng isang indibidwal mula sa araw ng kapanganakan hanggang sa kamatayan. Ang mga gawain tulad ng pag-ipon ng mga maliliit na bata, pag-oorganisa ng mga grupong politikal para sa mga kabataan, pagbuo ng mga palaro, at pagkakaroon ng kakaibang paraan ng pagbati, at iba pang mga gawain ay naglalayon na magabayan ang pag-iisip ng mga kabataang ito at maproteksiyonan laban sa ibang kaisipan. Kaakibat din nito ang matamang pagbabantay sa pribadong buhay ng isang indibidwal. Ito ay nagsilbing huwaran para sa isang totalitaryang pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit nasabi ni Hayek na ang mga taong may mabubuting hangarin ang naghanda ng daanan ni Hitler tungo sa kapangyarihan. Patay na ang liberalismo ng si Hitler ay maupo sa kapangyarihan at ito ay bunga ng kagagawan ng sosyalismo. 

Sa mga nakasaksi ng pagpapalit mula sosyalismo tungong fascismo, hayag sa kanila ang kaugnayan ng dalawa. Subalit sa mga demokratikong bansa, ang mga tao ay patuloy pa ring naniniwala na maaaring pagsamahin ang sosyalismo at kalayaan. Hindi nila nababatid na ang demokratikong sosyalismo bukod sa ang mithiin nito ay imposibleng makamtan, ito ay may kakaibang bunga, ang pagkawasak ng kalayaan. 

Si Hayek ay labis na nabahala sa mga palatandaan na kaniyang nasaksihan ng kaniyang panahon sa Englatera at sa Estados Unidos. Ang mga manunulat sa ilalim ng kaisipang konserbatibong sosyalismo ang naghanda sa lipunan para sa pagdating ng Nasyonalistang Sosyalismo. Si Hayek ay naniniwala na ang konserbatibong sosyalismo ang laganap na kaisipan ng kaniyang kapanahunan. 

Personal na Katugunan

Mainam at nabanggit ni F. A. Hayek and papel ng Kristiyanismo sa paghubog ng indibidwalismo. Para sa kaniya, mayroon lamang isang uri ng indibidwalsmo na nagsimula sa Kristiyanismo at yumabong sa panahon ng Renaissance. Hindi ako sumasang-ayon dito. ang uri ng indibidwalismo na itinuturo ng Renaissance ay nagmula sa bagong Protestantismo sa pamumuno ni Erasmo. Sa kabilang banda, ang lumang Protestantismo sa pangunguna nila Luther, Zwingli, at Calvin ay nagbibigay diin din sa kahalagahan ng isang indibidwal. Ang kaibahan ay makikita sa pagbibigay diin sa kalayaan ng isang indibidwal mula sa Diyos at sa kaniyang kapahayagan. Ang pagtanggi dito ay sentro sa indibidwalismo hango sa Renaissance na siya namang sinasang-ayunan ng indibidwalismo batay sa Reformation.

Napakahalaga din na nabanggit ni Hayek ang ukol sa konserbatibong sosyalismo. Habang binabasa ko ang kaniyang pagsasalarawan, hindi maalis sa aking isipan ang kaugnayan nito para sa ating panahon. Hindi kaya ang konserbatibong sosyalismo pa rin ang napapanahong kaisipan hanggang sa ngayon? Kung hindi, ano? Kung tama ang obserbasyong ito, mahalaga kung magkagayon na dapat maunawaan ang mensahe ni Hayek sa "The Road to Serfdom" sapagkat nakasalalay dito ang ating kinabukasan, kalayaan o pagkaalipin, at nakabase ito sa ating pananaw sa sosyalismo at sa ating magiging katugunan. 

No comments:

Post a Comment