Ayon kay Henry Hazlitt, ang pag-aaral ng Economics ay maaaring buodin sa isang aral: Tinitingnan nito hind lamang ang dagliang epekto ng isang patakaran sa isang sektor o grupo sa lipunan at sa halip ay ang pangmatagalang resulta ng nasabing patakaran sa pangkalahatan. Kung susukatin sa pamantayang ito ang batas ukol sa "Minimum Wage Rate," ganito ang kalalabasan:
Ang dagliang resulta ay makikita sa pagtaas ng sahod ng isang grupo ng mga manggagawa. Natural lamang na matuwa ang mga manggagawang nakinabang sa batas na ito. Papaano naman ang ibang grupo tulad ng mga naghahanap ng trabaho, mga manggagawang hindi kayang pasahuran ng kumpanya ayon sa itinakda ng batas at mga "highly skilled" na mga manggagawa?
Kadalasan, ang unang grupo lamang ng mga manggagawa ang nabibigyan ng pansin at naiuulat sa mga pahayagan. Pansinin natin ang epekto ng Minimum Wage Rate sa ibang grupo ng mga manggagawa:
Una, ang mga manggagawa na mababa ang sahod kaysa sa mimimum wage ay maaaring mawalan ng trabaho kung ang kumpanya ay nahihirapan din sa pananalapi at hindi kayang magtaas ng sahod at pagpasiyahan na lamang ng may-ari na isara ang kumpanya.
Ikalawa, ipagpalagay na kaya ng may-ari ng kumpanya na magtaas ng sahod, makikinabang kung magkagayon ang manggagawang tatanggap nito. Subalit papaano naman ang ikalawang manggagawa na naghahanap din ng trabaho. Mahihirapan siya na matanggap sa trabaho sapagkat ang karagdagang pananalapi na sana ay ipambabayad sa bagong manggagawa ay naidagdag na sa mga kasalukuyang manggagawa.
Ikatlo, papaano naman ang mga manggagawa na mas produktibo? Saan kukuha ang kumpanya ng karagdagang sahod para sa kanila kung ang pananalapi ng kumpanya ay nagamit na sa mga manggagawa na ang produksiyon ay hindi nakahihigit sa itinakdang sahod?
Sa madaling salita, ang pagtaas ng sahod na hindi nakabase sa produksiyon kundi sa bilang ng dami ng mga anak ay salungat sa pagsulong ekonomiya. Ang nakikinabang lamang dito ay ang mga kasalukuyang mga manggawa subalit may mababang produksiyon at pinahihirapan nito ang mga naghahanap ng trabaho at ang mga kasalukuyang manggagawa na may mataas na produksiyon. Para sa huli, mas mainam pa na mangibang bayan na lamang kaysa tumanggap ng mababang sahod dito sa ating bansa.
Other Related Articles:
http://www.fee.org/the_freeman/detail/the-minimum-wage-good-intentions-bad-results
"We see the apparent benefit of having our own wages increased. But we don’t consider the nameless victims of the minimum wage hike who will lose their jobs because the government has priced them out of the labor market."
http://www.fee.org/the_freeman/detail/the-minimum-wages-dirty-little-secret
"This is a case of medicine causing a disease that politicians then seek to cure with more of the same medicine. A better course of treatment would be to fire the doctors."
http://www.fee.org/the_freeman/detail/minimum-wage-maximum-folly
"Their statement went on to say, 'We believe that a modest increase in the minimum wage would improve the well-being of low-wage workers and would not have the adverse effects that critics have claimed.' Moreover they asserted, 'The minimum wage is also an important tool in fighting poverty.' These and other assertions amount to what might be seen as examples of economic malpractice."
Note: Ang bahagi ng artikulong ito na may kinalaman sa iba't-ibang grupo ng mga manggagawa ay isinalin sa Filipino batay sa orihinal na panulat ni Nonoy Oplas ng Minimal Government Thinkers, Inc.
No comments:
Post a Comment