Lutang na lutang sa Tanaka Memorial ang pagsasama ng economic motivation, nationalism at imperialism. Sa tingin ko, dalawa sa mahalagang dokyumento para higit na maintidihan ang nasa isip ng Japan noong WW2 ay ang Nine Power Treaty at Meiji Plan. Para sa kanila ang ginawa nila ay implementation lamang ng plano na iniwan ni Emperor Meiji at malaking sagabal dito ang Nine Power Treaty na primarily ay initiated ng US.
Basically ang Meiji Plan ay manifestation ng collectivist idea sa anyo ng nasyonalismo. Ang masama sa anyong ito ay ang kaisipan na ang makakabuti sa isang bansa ay makakasama naman sa iba, kaya nakakabit din dito ang imperyalistang ambisyon. Popular ang kaisipang ito bago pa ang WW1 at WW2 na siya ring nagtulak kay Hitler at Mussolini para ilunsad ang kanilang imperialistang adhikain sa Europa. Ang hindi lang gaanong "halatadong" imperialismo ay ang version ng Englatera at Estados Unidos sa dahilan na ang kanilang pinangangalandakang ipinaglalaban ay ang demokrasya at kalayaan, pero kung susuriin ng mabuti, collectivism pa rin.
Para sa Japan, ang NPT ay isang pambansang pagpapatiwakal na hindi nila maaaring sang-ayunan tulad ng pagbawas ng armas at pagkontrol ng mga Briton at Amerikano sa natural resources ng Tsina. Ang polisiya na nais tahakin ng Japan ay ang tiyakin ang kanilang mga "rights" sa Manchuria at Mongolia. Ito raw ay sinasang-ayunan ng iba pang mga "Powers" upang maproteksiyonan ang international trade at investment. Ito rin lang ang tanging paraan para ma-develop ang trade ng Japan, mahadlangan ang industrial development ng Tsina at ang pagpasok ng mga makapangyarihang bansa sa Europa.
So ang stratehiya ng Japan ay gamitin ang Manchuria at Mongolia bilang sentro gamit ang balatkayong "trade and commerce" upang makontrol ang natural resources ng Tsina. At pag nangyari ito, pwede nang isunod ang India, the Archipelago, Asia Minor, Central Asia, at maging ang Europa. Marami pang mga detalye ang nakasaad sa Tanaka memorial. Napansin ko yong kahalagahan ng paggamit nila sa mga Koreans at mga railroads para sa katuparan ng Meiji Plan. Kung meron mang posible sanang positibong kontribusyon ang mga Hapones sa ekonomiya ng mundo, ito ay ang kanilang monetary policy. Naniniwala sila sa gold standard currency. Ito ay higit na mainam kaysa sa kasalukuyang pandaigdigang monetary policy na fiat currency. Ang nakakapagtaka lang ay ang pagbabago ng posisyon ng Japan na sa kasalukuyan ay ang pinaka-agresibo sa pagsunod sa yapak ng US pagdating sa pag-iimprenta ng fiat currency.
No comments:
Post a Comment