I first wrote this article in response to a thread initiated by a group administrator in Facebook. Someone replied that he did not see anything that expounds about crony capitalism in my post. I apologized for taking many assumptions for granted and explain those assumptions in layman's term. And this is my explanation:
Pasensiya na, medyo malayo na nga ang tinakbo ng post ko...Marami ng assumptions na I intentionally left out...Kadalasan, pag nababanggit ang crony capitalism ang dagli nating naiisip ay ang sabwatan ng mga tao sa pamahalaan at mga kaibigan o mga kamag-anak sa mga pribadong negosyo. Bagamat tama naman yan, naisip ko na ipasok ang pananaw ng Austrian school of economics sa usaping ito yamang isa namang Austrian economist ang matiyagang tumutok sa crony capitalism sa Estados Unidos sa loob ng halos 30 taon. At ito ay sa katauhan ni Ron Paul na tinukoy ang crony capitalism na siyang ugat ng kasalukuyang pandaigdigang krisis.
Yong post ni Ka Mario ay may kinalaman sa crony capitalism sa Pilipinas. Subalit katulad ng nabanggit ko hindi tayo ang pasimuno ng crony capitalism. Ito ay matagal ng sakit ng Amerika at ang nagpasimuno nito sa kasaysayan ay si Alexander Hamilton. Dalawa sa monetary policies na makikita sa crony capitalism ayon kay Thomas J. DiLorenzo ay ang patuloy na paglaki ng public debt at pag-imprenta ng pera. And these two policies were so evident during Marcos administration. At ayon sa Bulatlat, ang utang ng Pilipinas ng maupo si Marcos ng 1966 ay hindi pa aabot sa 1 bilyong dolyar. Subalit nang 1986, ito ay umabot sa halagang 28 bilyon na ayon kay Arnold Padilla ay babayaran ng mga Pilipino hanggang sa taong 2025. And of course, pagkatapos ng Marcos era, wala namang nagbago sa kabuuang direksiyon ng monetary policies ng bansa sa mga sumunod na administrasyon. So lalong lumaki ang public debt.
Kung pagbabatayan ang pag-iimprenta ng pera at pag lobo ng public debt na dominant features ng crony capitalism, halos lahat ng mga bansa ay sumusunod lamang sa yapak ng Estados Unidos. Ito and dahilan kung bakit ko nabanggit ang 2008 crisis at ang mga personalidad tulad nina Jefferson, Jackson, Ron Paul, Bloom at Lord Monckton. Ang 2008 crisis ang situwasyon na naglantad sa tunay na kulay ng crony capitalism sa mata ng mga Amerikano at ng marami pang mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo. Sina Jefferson at Jackson ang mga personalidad sa kasaysayan na nakita ang tiyak na kapahamakan sa pagpapatuloy ng pag-iimprenta at paglobo ng public debt, mga halimbawa na kung saan ay sinusundan ngayon nina Ron Paul, Bloom at Lord Monckton. Ang malungkot lang sa Pilipinas wala tayong mambabatas na nangahas galawin ang usaping ito.
Minsan naitanong ko sa iginagalang kong pastor kung meron ba siyang kilalang politiko who advocates sound monetary policy. Ang sagot niya sa akin ay napag-uusapan lang. Walang may lakas ng loob na galawin ang isyung ito sapagkat sensitibo. Kung meron man na dapat magpasimuno, ito ay dapat daw na magsimula sa mga mamamayan. Ang tanong sino ang magtuturo sa mga mamamayan kung hindi naman ito itinuturo ng paaralan?
.
No comments:
Post a Comment