Ito ang ikalawa at konklusiyon ng debate sa pagitan nina Rev. Opitz at Dr. Bennett.
Rev. Edumund A. Opitz
Bilang naatasan na unang magpahayag ng kaniyang posisyon, hinati ni Rev. Opitz ang kaniyang tugon kay Dr. Bennett sa apat na mga paksa: right of self-defense, helping some by hurting others, tyranny of power, and the planned economy.
Tinanggap ni Rev. Opitz ang posisyon ni Dr. Bennett ukol sa pagbibigay ng hangganan sa kapangyarihan ng pamahalaan. Subalit nang banggitin ni Dr. Bennett ang pangungusap na "We have to work here experimentally rather than dogmatically" na may kinalaman sa kaparaanan kung paano lilimitahan ang kapangyarihan ng pamahalaan, para kay Rev. Opitz, ito ay nagpapahiwatig lamang na base sa pananaw ni Dr. Bennett na ang "moral principles by which individuals are judged do not apply when individuals act on behalf of government." "In short, the state is beyond the human judgments of good and evil which are relevant to individuals."
1. Right of self-defense
Pagkatapos banggitin ang pambungad na pananalita, tinalakay na ni Rev. Opitz ang nais niyang tukuyin ukol sa "right of self defense." Ito ay may kinalaman sa pagtatakda ng "a priori moral principles" na kung saan ay lubhang napakahalaga sa larangan ng politika. Ganito ipinaliwanag ni Rev. Opitz ang moral principles na ito:
"If the individual has any inherent, God-given right to be on this earth at all, then he has the corollary right to defend his life. This is true of all men equally. They are within their moral rights to use force if need be to defend themselves against violence initiated against them. If men individually have this moral right, they may severally delegate it provisionally to an agent. This agent, government, has the moral right to use force only as the delegating individuals have a right; namely, defensively to neutralize force. This accords with the basic principle that no man has a right to impose his will on another, and with its corollary that every person has a right to resist the imposition of an alien will over his own."
"Government is the social apparatus of coercion and compulsion. A law is not a mere suggestion; it has a penalty provision as a rider. There is no need to pass a law to make people do what they do naturally or can easily be persuaded to do. Every law supersedes the wills of some individuals, forcing them to do what their own will and conscience would not lead them to do; or, conversely, restrains them from doing what they want to do or think they ought to do. It is morally right to use legal force to frustrate criminal action for the protection of peaceful citizens. But the use of legal force against peaceful citizens is something else again. It impairs the moral principle which should guide political action."
Pagkatapos ng pagpapaliwanag sa "a priori moral principles", binanggit ni Rev. Opitz na may dalawang grupo ng mga tao na walang kabatiran sa "coercive nature of political action." At ito ay ang mga tao na nagsasagawa ng coercion mismo at ang mga taong tulad ni Dr. Bennett na nagtataguyod ng "extension of government functions, regulations, and controls."
2. Helping some by hurting others.
Dagdag pa ni Rev. Opitz, sa pagtataguyod ng isang mithiing panlipunan gamit ang kapangyarihan ng pamahalaan, may mga tao na hindi kumbinsido dito bunga ng paniniwala na ang ganitong mga hakbangin ay "morally and economically unsound." Bagamat hindi sang-ayon ang mga taong ito, sila ay mapipilitan na sumunod sa kapasiyahan ng mga tagapagtaguyod ng mithiing panlipunan dahilan sa nasa kanilang panig ang kapangyarihan ng pamahalaan. Bunga nito, sila ay naalisan ng karapatan upang maisakatuparan ang pinaniniwalaang mithiing panlipunan. Kung magpupumilit ang mga taong ito na manindigan sa kanilang prinsipiyo "to the bitter end", sila ay maaaring maging biktima ng karahasan o maaaring maging dahilan pa ito ng kanilang kamatayan mula sa kamay ng mga kinatawan ng estado.
Naniniwala si Rev. Opitz na hindi ito ang tinataguyod ni Dr. Bennett, subalit ito ang hahantungan ng kaniyang paniniwala. Kung magkagayon, kung salungat si Dr. Bennett sa hantungan na ito, dapat niya na ring tigilan ang pagtataguyod ng hakbanging politikal na nagdudulot nito.
Sa puntong ito binanggit ni Rev. Opitz ang ibig niyang sabihin sa "helping some by hurting others." Tanggap ni Rev. Opitz na marangal ang layunin ng mga collectivists o ng mga central planners. Nais nilang tulungan ang mga mamamayan. Subalit ang kaparaanan na kanilang ginagamit, walang iba kundi sa pamamagitan ng hakbanging politikal ay nangangahulugan lamang ng pagtulong sa ibang mga tao na siya namang nakakapinsala sa iba.
Ayon kay Rev. Opitz, ang pamahalaan ay instrumento lamang ng kalayaan kung pinoproteksiyonan nito ang mga karapatan ng bawat mamamayan. Sa pagsasakatuparan ng tungkuling ito, maaaring gumamit ang pamahalaan ng coercion sa mga indibidwal na nagbibigay pinsala sa kanilang kapwa.
Nang banggitin ni Dr. Bennett ang tungkol sa "blind working of economic processes", para kay Rev. Opitz, ibang uri ng coercion ang nasa isipan ng propesor. Ipinaliwanag ni Rev. Opitz ang tunay na kahulugan ng nabanggit na phrase: "What you speak of as 'the blind working of economic processes' is really the resultant of millions of individuals making voluntary decisions as to how they will dispose their limited energy so as to maximize their material and spiritual satisfactions." Maaaring biguin ng isang central planner ang kalayaang ito sa pamamagitan ng pagamit ng puwersa. Ang pag-agaw ng kalayaan ay magdudulot kapwa ng "economic chaos", at "spiritual disaster" dulot ng pagmamataas.
3. Tyranny of Power
Sa ikatlong paksa, tinalakay ni Rev. Opitz ang "tyranny of power." Ayon sa kaniya, pag dating sa ekonomiya, ang tanging magagawa ng mga politiko is to "grant privileges" na ang ibig sabihin ay "it can confer advantages on some at the expense of others." Sa puntong ito, binanggit niya ang phrase na ginamit ni Dr. Bennett tungkol sa "the tyranny of private centers of economic power." Hinamon niya si Dr. Bennet na suriin ang itinuturing na "private center of economic power", at sa tuwina ay masusumpungan na ang mga pribadong institusiyong ito ay umasa ng pabor sa mga politiko either in the form of a "tariff" or a "subsidy." Kung hindi naman, ito ay tumutukoy sa kabiguan ng gobyerno na isakatuparan ang mga batas laban sa "predation." Binigyang diin ni Rev. Opitz na habang nakikialam ang mge politiko sa merkado, hindi mawawala ang "injustice and the resulting economic dislocations."
Pinuna rin ni Rev. Opitz ang rekomendasyon ni Dr. Bennett ukol sa paglaban sa totalitariyanismo. Para kay Rev. Opitz, hindi magagawang labanan ng isang yumayakap kahit na bahagya lamang sa pilosopiya ng totalitariyanismo ang puwersa ng totalitariyanismo. Hindi rin malinaw para kay Rev. Opitz ang ibig sabihin ni Dr. Bennet sa phrase na "ineffective state." Sa tingin ng libertarian, ang "effective state" sa pananaw ni Dr. Bennett ay ang estado na maraming nilikhang mga regulasyon upang saklawan ang mga "economic activities" tulad ng "housing, insurance, medical care, electrical power, and so on." Ito ang lubos na tinututulan ng isang libertarian. Hindi kailangan ang "ineffective state" sa mga economic activities na ito. The best thing the state can do is to keep away from these realms. Sapagkat kung hindi ito gagawin ng pamahalaan, ito ay magiging instrumento ng "injustice." Ang nais ng isang libertarian ay isang pamahalaan na "sufficiently virile and alert to perform adequately the functions within its competence."
4. Planned Economy
Sa huling bahagi ng kaniyang tugon, tahasang binanggit ni Rev. Opitz na ang "collectivist or planned economy philosophy has a grave defect." Isinalarawan ni Rev. Opitz ang depektong ito:
"It tends towards a fixation, at the level of comprehension in social affairs men have now attained. It gives legal sanction to practices which trouble the sensitive conscience, and it places legal obstacles in the path of the gifted innovator."
Sa kabilang banda, ang libertarian philosophy ay "open-ended toward life." Kinikilala nito ang limitasyon ng tao. Para sa isang libertarian, walang sinuman ang may karapatan na magdikta ng kaniyang kapasiyahan sa iba.
Sa oras na tanggapin ang "extended and accelerated functions" ng pamahalaan sa lipunan, ito ay mangangahulugan na ang mga tao "will be politically directed and controlled in ever-widening areas of their lives." Ang "logical end" nito ay isang lipunan na ang mga bagay na hindi ipinagbabawal ay magiging sapilitan. Ang kalayaan ng mga mamamayan ay sasaklawan ng mga batas at pakikitirin nito ang kanilang mga alternatibo.
Sa libertarian philosophy, ang layunin ay bigyang laya ang mga tao upang maisagawa nila ang kanilang buong kakayanan. Kung aabusuhin ng tao ang kalayaang ito na ibubunga ng pagsalanta sa iba, dito nararapat gamitin ang "coercive apparatus" ng pamahalaan upang maipagtanggol ang buhay at ari-arian ng isang tao laban sa mga mamamatay tao, mga magnanakaw, mga mapanirang puri, at mga manlilinlang. Malaya ang tao na gumawa ng krimen subalit haharapin nila ang hustisya bunga ng kanilang mga desisyon.
Ang isang mapayapang lipunan ay makakamtan sa pamamagitan ng "system of the division of labor, the marketplace, the free exchange of goods, services, and ideas." Ang kapayapaang ito ay nakatatanggap ng banta sa tuwina mula sa mga pribadong gawain ng karahasan ng mga mamamayan na ayaw sumunod sa batas o mula sa pamahalaan mismo na naligaw sa pagsasakatuparan ng kaniyang tunay na tungkulin.
Dr. John C. Bennett
Hinati ni Dr. Bennett ang kaniyang katugunan sa dalawang bahagi: paglilinaw sa maling pagkaunawa at pagtalakay sa mga pangunahing isyus na naghihiwalay sa kanilang dalawa ni Rev. Opitz.
1. Paglilinaw sa maling pagkaunawa
Ang maling pagkaunawa ay may kinalaman sa nabanggit ni Rev. Opitz na "a priori principles". Itinanggi ni Dr. Bennett na ang hindi niya pagtanggap sa "a priori moral principles" na binanggit ni Rev. Opitz ay hindi nangangahulugan na ang mga moral principles na sumasaklaw sa mga indibidwal ay hindi angkop sa mga polisiya ng pamahalaan. Ang paglalapat ay mahirap gawin hindi dahil sa kawalan ng permanenteng moral principles, bagkus ay sa pagkakaroon ng tensiyon mismo sa mga prinsipiyo na dapat ilapat.
Ang pinakapangkaraniwang mga tensiyon ay may kaugnayan sa pagitan ng hustisya at kalayaan o kaayusan at kalayaan. Higit sa lahat, ang pinakamahalagang prinsipiyo na dapat na magsilbing gabay sa pagkilos ng mga Cristiano ay walang iba kundi ang pag-ibig sa kapwa. Kung bakit nagiging kumplikado ang paglalapat ng mga moral principles ay sa dahilan na may mga pagsasalungatan sa mga interes at kung minsan ay sa pangangailangan mismo ng ating kapwa. Bunga nito, karamihan ng mga hakbanging Cristiano ay kailangang ilapat sa mga kumplikado at patuloy na nagbabagong mga situwasyon na hindi kayang punuan ng anumang " a priori moral principles."
Hindi naniniwala si Dr. Bennet na ang estado ay lampas sa pamantayan ng tama o mali na sumasaklaw sa buhay ng mga indibidwal. Tinatanggap niya na ang estado ay may mga tungkulin na kakaiba kaysa sa mga indibidwal na dapat isakatuparan. At dahilan dito, mas komplikado ang situwasyon ng estado kaysa sa situwasyon ng indibidwal. Bunga nito, mahirap ilapat ang mga prinsipiyong moral. Ang isang mamamayan kung siya ay isang Cristiano na tumutulong sa paglikha o paglalapat ng mga patakaran ng pamahalaan, kaniyang isasaalang-alang ang kapakanan at dignidad ng mga taong maaapektuhan. Dulot ng ganitong motibo at kababaang loob sa harapan ng Diyos, hindi natin maaaring ituring na ang isang konsepto ukol sa balangkas ng lipunan na maging "absolute or frozen." Sa halip, patuloy tayong dapat na maging sensitibo sa mga pangangailangan at mga interes ng iba. Ito ang mga "moral resources" na dapat nating pagbatayan ng mga konkretong desisyon sa bawat situwasyon sa halip na umasa sa mga tiyak na "a priori principles."
2. Mga pangunahing isyus
Ang unang isyu ay may kinalaman sa hindi pagbibigay diin ni Rev. Opitz sa komyunidad at sa "common good." Pinansin ni Dr. Bennett na halos walang binanggit si Rev. Opitz sa kaniyang tugon ukol sa kahalagahan ng komyunidad at common good. Para kay Dr. Bennett, ang mga pananalita ni apostol Pablo ukol sa pagiging "bahagi ng bawat isa" ay dapat na isabuhay hindi lamang sa iglesia kundi sa higit na malaking komyunidad na ating kinabibilangan.
Bukod sa interdependence ng sangkatauhan, pangarap ni Dr. Bennett na magkaroon ng "common values" sa lipunan. Ang nais niyang tukuyin dito ay isang lipunan na hindi nahahati sa labis na kayamanan at labis na kahirapan at mga pamilya na hindi kinukulang sa proteksiyon laban sa kawalan ng hanapbuhay, karamdaman o pagtanda. Ang tinutukoy dito ni Dr. Bennett ay ang "common good" na matatamo lamang sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos. At sa kaniyang pananaw, napakahalaga ng papel ng estado upang maisakatuparan ang mithiing ito.
Ang ikalawang isyu ay tungkol sa mga malawakang banta sa common good at sa kapakanan ng mga indibidwal. Napakakomplikado ng modernong lipunan na ito ay hindi kayang lunasan ng mga indibidwal na kumikilos ng kaniya-kaniya. Sa puntong ito, pinuna ni Dr. Bennett ang paniniwala ni Rev. Opitz ukol sa "laissez faire" na sa tingin ng propesor ay hindi na angkop sa modernong panahon at imposible ng balikan. Binanggit ni Dr. Bennett ang suliranin ukol sa kawalan ng hanapbuhay. Hindi ito kayang lunasan ng merkado. Ang lunas sa pananaw ng propesor ay wala sa "decentralization" o "individualism". Napakahalaga ng papel ng estado upang masawata ito. Sa bandang huli, ang mungkahi ni Dr. Bennett na solusyon ay kooperasyon sa pagitan ng estado at ng merkado, na mas higit na kilala sa tawag na "mixed economy." Kung mabibigo ang kooperasyon na ito, ang kahahantungan ay walang iba kundi "tyrannical collectivism."
Ang ikatlong isyu ay tungkol sa nature ng kalayaan. Para kay Dr. Bennett, ang binibigyang diin lamang ni Rev. Opitz ay ang kalayaan ng mga taong nakakaangat na sa buhay at kinakaligtaan ang kalayaan ng higit na nakararami. At tanging ang estado lamang ang may kakayanan upang ipagtanggol ang mga mahihina laban sa mga malalakas.
Ang ikaapat na isyu ay may kinalaman sa kakulangan ng private charity. Para kay Dr. Bennett, ang pagbibigay ng mga oportunidad, mga karapatan at kalayaan ay hindi dapat ipagkatiwala sa private charity. Ito ay sa dahilan na ang private charity ay hindi sapat sa laki ng suliranin. Bagkus, higit na mainam na ang pagbibigay ng mga oportunidad na ito ay dapat na ituring na bahagi ng hustisya. Ang pagiging bukas-palad ng mga Cristiano ay makikita sa pagsang-ayon na mabuwisan o magpakita ng kooperasyon para sa kapakanan ng hustisya.
Hindi kumbinsido si Dr. Bennett na ang pagbubuwis sa ganitong paraan ay paglabag sa ikawalong utos, ang pagnanakaw. Ang kayamanan ng isang tao ay produkto ng proseso sa lipunan na kung saan ang komunidad sa kabuuan ay nakatulong sa paglago nito. May katungkulan ang lipunan upang magkaroon ng mga oportunidad ang mga kapus-palad tulad ng mga oportunidad na tinatamasa ng mga nakaririwasa.
Tinapos ni Dr. Bennett ang kaniyang katugunan sa isang babala. Ayon sa kaniya, kung magtatagumpay si Rev. Opitz sa pagpigil sa paglalapat ng lunas sa tunay na suliranin ng ekonomiya at ng mga mamamayan, wawasakin ni Rev. Opitz at ng kilusan na kaniyang kinabibilangan ang kalayaan.
English Version
Source:
Faith and Freedom May 1953 Issue